1 Nag-asawa ulit si Abraham, at ang pangalan ng asawa niya ay Ketura.
2 Ang mga anak nila ay sina Zimran, Jokshan, Medan, Midian, Ishbak at Shua.
3 Si Jokshan ang ama nina Sheba at Dedan. Ang mga lahi ni Dedan ay ang mga Asureo, Letuseo, at Leumeo.
4 Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa. Silang lahat ang mga lahi ni Ketura.