11 Pagkatapos mamatay ni Abraham, binasbasan ng Dios si Isaac at doon siya nanirahan sa Beer Lahai Roi.
12 Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Ishmael na anak ni Abraham kay Hagar na Egipcio, na alipin ni Sara.
13 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ishmael mula sa pinakamatanda: Nebayot, Kedar, Adbeel, Mibsam,
14 Mishma, Duma, Masa,
15 Hadad, Tema, Jetur, Nafis at Kedema.
16 Sila ang mga anak ni Ishmael at naging pinuno ng 12 niyang angkan. Ang mga pangalan nila ay ang ipinangalan sa ibaʼt ibang lugar na kanilang tinitirhan.
17 Nabuhay si Ishmael ng 137 taon. Namatay siya at kasama na ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na.