2 Ang mga anak nila ay sina Zimran, Jokshan, Medan, Midian, Ishbak at Shua.
3 Si Jokshan ang ama nina Sheba at Dedan. Ang mga lahi ni Dedan ay ang mga Asureo, Letuseo, at Leumeo.
4 Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa. Silang lahat ang mga lahi ni Ketura.
5-6 Bago namatay si Abraham, iniwan niya ang lahat ng ari-arian niya kay Isaac. Pero binigyan niya ng mga regalo ang iba niyang mga anak sa iba niyang mga asawa, at pinapunta sa silangan para ihiwalay sa anak niyang si Isaac.
7 Nabuhay si Abraham ng 175 taon.
8 Namatay siya sa katandaan na kontento sa buhay at kasama na ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na.
9 Inilibing siya ng mga anak niyang sina Isaac at Ishmael doon sa kweba sa Macpela, sa silangan ng Mamre, sa bukid na dating pagmamay-ari ni Efron na anak ni Zohar na Heteo.