5 Agad na pinapunta ni Isaac si Jacob sa Padan Aram, sa lugar ni Laban na anak ni Betuel na Arameo. Si Laban ay kapatid ni Rebeka na ina nina Jacob at Esau.
6 Nalaman ni Esau na binasbasan ni Isaac si Jacob at pinapunta sa Padan Aram para roon maghanap ng mapapangasawa. Nalaman din niya na binasbasan ni Isaac si Jacob, inutusan niya ito na huwag mag-asawa ng taga-Canaan.
7 At nalaman din niyang sumunod si Jacob sa magulang nila at pumunta sa Padan Aram.
8 Dito napansin ni Esau na ayaw ng kanyang ama ang mga babaeng taga-Canaan.
9 Kaya pumunta siya sa tiyuhin niyang si Ishmael na anak ni Abraham kay Hagarat napangasawa si Mahalat na kapatid ni Nebayot at anak ni Ishmael, bukod pa sa dalawang naging asawa niya.
10 Umalis si Jacob sa Beersheba at lumakad papuntang Haran.
11 Nang lumubog na ang araw, nakarating siya sa isang lugar at doon nanatili nang gabing iyon. Kumuha siya ng isang bato at ginawa niyang unan sa pagtulog niya.