7 At nalaman din niyang sumunod si Jacob sa magulang nila at pumunta sa Padan Aram.
8 Dito napansin ni Esau na ayaw ng kanyang ama ang mga babaeng taga-Canaan.
9 Kaya pumunta siya sa tiyuhin niyang si Ishmael na anak ni Abraham kay Hagarat napangasawa si Mahalat na kapatid ni Nebayot at anak ni Ishmael, bukod pa sa dalawang naging asawa niya.
10 Umalis si Jacob sa Beersheba at lumakad papuntang Haran.
11 Nang lumubog na ang araw, nakarating siya sa isang lugar at doon nanatili nang gabing iyon. Kumuha siya ng isang bato at ginawa niyang unan sa pagtulog niya.
12 Ngayon, nanaginip siya na may isang hagdan na nakatayo sa lupa na abot hanggang langit. Nakita niya ang mga anghel ng Dios na umaakyat at bumababa sa hagdan.
13 Nakita rin niya ang Panginoon na nakatayo sa itaas ng hagdan at sinabi sa kanya, “Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham at ni Isaac. Ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo ang lupaing ito na iyong hinihigaan.