22 Ang mga anak na lalaki ni Lotan ay sina Hori at Heman. Si Lotan ay mayroong kapatid na babae na si Timna na isa pang asawa ni Elifaz.
23 Ang mga anak na lalaki ni Shobal ay sina Alvan, Manahat, Ebal, Shefo at Onam.
24 Ang mga anak na lalaki ni Zibeon ay sina Aya at Ana. Si Ana ang nakatuklas ng bukal doon sa ilang habang nagpapastol siya ng mga asno ng kanyang ama.
25 Ang mga anak ni Ana ay sina Dishon at Oholibama.
26 Ang mga anak na lalaki ni Dishon ay sina Hemdan, Eshban, Itran at Keran.
27 Ang mga anak na lalaki ni Ezer ay sina Bilhan, Zaavan at Akan.
28 Ang mga anak na lalaki ni Dishan ay sina Uz at Aran.