15 Sila ang 33 anak at apo ni Jacob kay Lea na ipinanganak sa Padan Aram, at hindi kabilang ang anak niyang babae na si Dina.
16 Ang mga ito ay kasama rin sa Egipto:si Gad at ang mga anak niyang sina Zefon, Hagi, Shuni, Ezbon, Eri, Arodi at Areli.
17 Si Asher at ang mga anak niyang sina Imna, Ishva, Ishvi at Beria.Ang kapatid nilang babae na si Sera.Ang mga anak ni Beria na sina Heber at Malkiel.
18 Sila ang 16 na anak at apo ni Jacob kay Zilpa, ang alipin na ibinigay ni Laban kay Lea.
19 Ang mga anak ni Jacob kay Raquel:sina Jose at Benjamin.
20 Ang mga anak ni Jose kay Asenat na ipinanganak sa Egipto na sina Manase at Efraim. (Si Asenat ay anak na babae ni Potifera na pari sa lungsod ng On.)
21 Ang mga anak ni Benjamin:sina Bela, Beker, Ashbel, Gera, Naaman, Ehi, Rosh, Mupim, Hupim at Ard.