20 Ang mga anak ni Jose kay Asenat na ipinanganak sa Egipto na sina Manase at Efraim. (Si Asenat ay anak na babae ni Potifera na pari sa lungsod ng On.)
21 Ang mga anak ni Benjamin:sina Bela, Beker, Ashbel, Gera, Naaman, Ehi, Rosh, Mupim, Hupim at Ard.
22 Sila ang 14 na anak at apo ni Jacob kay Raquel.
23 Ang mga ito ay kasama rin sa Egipto:si Dan at ang anak niyang si Hushim.
24 Si Naftali at ang mga anak niya:sina Jahziel, Guni, Jezer at Shilem.
25 Sila ang pitong anak at apo ni Jacob kay Bilha, ang alipin na ibinigay ni Laban kay Raquel.
26 Ang bilang ng lahat ng anak at apo ni Jacob na pumunta sa Egipto ay 66. Hindi pa kabilang dito ang mga asawa ng kanyang mga anak.