2 Ipinakilala niya agad sa Faraon ang lima sa kanyang kapatid.
3 Tinanong sila ng Faraon, “Ano ang trabaho ninyo?”Sumagot sila, “Mga pastol po kami ng hayop, katulad ng mga magulang namin.
4 Pumunta kami rito para pansamantalang manirahan dahil matindi po ang taggutom sa Canaan, at wala na kaming mapagpastulan ng mga hayop namin. Hinihiling po namin sa inyo na kung maaari ay payagan nʼyo kaming manirahan sa Goshen.”
5 Sinabi ng Faraon kay Jose, “Ngayong dumating na ang iyong ama at mga kapatid,
6 nakabukas ang Egipto para sa pamilya ninyo. Patirahin sila sa Goshen, na isa sa magagandang lupain sa Egipto. Kung may mapipili ka sa kanila na mapagkakatiwalaan, gawin silang tagapagbantay ng mga hayop ko.”
7 Dinala ni Jose ang kanyang ama sa Faraon at ipinakilala. Pagkatapos, binasbasan ni Jacob ang Faraon.
8 Tinanong siya ng Faraon, “Ilang taon ka na?”