2 Magdala ka ng pitong pares sa bawat uri ng malinis na hayop, pero isang pares lang sa bawat uri ng maruming hayop.
3 At magdala ka rin ng pitong pares sa bawat uri ng ibon. Gawin mo ito para mabuhay sila sa mundo.
4 Sapagkat pagkatapos ng pitong araw mula ngayon, magpapaulan ako sa buong mundo sa loob ng 40 araw at 40 gabi, para mamatay ang lahat ng nilikha ko.”
5 Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng Panginoon sa kanya.
6 Nasa 600 taong gulang na si Noe nang dumating ang baha sa mundo.
7 Pumasok siya sa barko kasama ang asawa niya, mga anak na lalaki, at mga manugang para hindi sila mamatay sa baha.
8-9 Ayon sa iniutos ng Dios kay Noe, pinapasok niya sa barko ang bawat pares ng lahat ng uri ng hayop na malinis at marumi na lumapit sa kanya.