1 Hindi kinalimutan ng Dios si Noe at ang mga kasama niyang hayop sa loob ng barko. Kaya pinaihip niya ang hangin sa mundo at dahan-dahang bumaba ang tubig.
2 Tinakpan niya ang mga bukal at pinahinto ang ulan.
3 Patuloy ang pagbaba ng tubig sa loob ng 150 araw.
4 At nang ika-17 araw ng ikapitong buwan, sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat.