4 At nang ika-17 araw ng ikapitong buwan, sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat.
5 Patuloy ang pagbaba ng tubig. At nang unang araw ng ikasampung buwan, nakikita na ang tuktok ng mga bundok.
6 Pagkalipas ng 40 araw mula ng panahon na nakita na ang tuktok ng mga bundok, binuksan ni Noe ang bintana ng barko
7 at pinakawalan ang isang uwak. At ang uwak na itoʼy parooʼt paritong lumilipad hanggang sa patuloy na pagbaba ng tubig.
8 Pinakawalan din ni Noe ang isang kalapati para malaman niya kung bumaba na ang tubig,
9 pero walang madapuan ang kalapati dahil natatakpan pa rin ng tubig ang buong mundo. Kaya bumalik na lamang ang kalapati kay Noe sa barko. Pinadapo ni Noe ang kalapati sa kamay niya at pinapasok sa barko.
10 Pinalipas muna ni Noe ang pitong araw at muli niyang pinakawalan ang kalapati.