31 at sa loob ng maraming araw, siya ay nagpakita sa mga sumama sa kanya sa Jerusalem mula sa Galilea. Ngayon, sila ang mga saksi niya sa mga Israelita.
32 Ngayon ay dala namin sa inyo ang Magandang Balita, na ang pangako ng Diyos sa ating mga ninuno
33 ay tinupad na sa atin na kanilang mga anak, nang muli niyang buhayin si Jesus. Ito ang nakasulat sa ikalawang Awit,‘Ikaw ang aking Anak,mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.’
34 Tungkol naman sa kanyang muling pagkabuhay at di pagkabulok ng kanyang katawan ay sinabi ng Diyos,‘Ipagkakaloob ko sa inyo ang mga banal at maaasahang pagpapalagaya ng ipinangako ko kay David.’
35 At sinabi rin niya sa iba pang bahagi,‘Hindi mo hahayaang dumanas ng pagkabulok ang iyong Banal.’
36 “Nang maisagawa na ni David ang kalooban ng Diyos, siya'y namatay at inilibing sa piling ng kanyang mga ninuno, at siya'y dumanas ng pagkabulok.
37 Subalit si Jesus ay muling binuhay ng Diyos at hindi dumanas ng pagkabulok.