32 Kaya't nagsama agad ito ng mga opisyal at mga kawal, at dali-daling nagtungo sa kinaroroonan ng mga tao. Pagkakita sa kanila, itinigil ng mga tao ang pagbugbog kay Pablo.
33 Lumapit ang pinuno, dinakip si Pablo at ipinagapos ng dalawang tanikala. “Sino ang taong ito? Ano ang kanyang ginawa?” tanong niya.
34 Iba-iba ang isinisigaw ng mga tao. Dahil sa sobrang gulo ng mga tao, hindi maliwanagan ng pinuno ang nangyari, kaya't ipinadala niya si Pablo sa himpilan.
35 Pagdating nila sa hagdanan, si Pablo'y binuhat na ng mga kawal sapagkat naging marahas ang mga tao
36 na sumusunod sa kanila at sumisigaw, “Patayin siya!”
37 Nang ipapasok na si Pablo sa himpilan, nakiusap siya sa pinuno, “Maaari ko po ba kayong makausap?”“Marunong ka bang magsalita ng wikang Griego?” tugon ng pinuno.
38 “Kung gayon, hindi ikaw ang Egipciong kailan lamang ay nanguna sa paghihimagsik at namundok na kasama ng apat na libong lalaki.”