24 May naniwala at mayroon din namang hindi naniwala sa kanyang sinabi.
25 Kaya't nang hindi sila magkaisa, sila'y umalis matapos sabihin ni Pablo ang ganitong pangungusap, “Tama ang sinabi ng Espiritu Santo sa inyong mga ninuno sa pamamagitan ni Propeta Isaias,
26 ‘Pumunta ka sa mga taong ito at sabihin mo sa kanila,Makinig man kayo nang makinig ay hindi kayo makakaunawa,at tumingin man kayo nang tumingin ay hindi kayo makakakita.
27 Sapagkat napakatigas ng mga puso ng taong ito,mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,at ipinikit nila ang kanilang mga mata.Sapagkat ayaw nilang makakita ang kanilang mga mata,makarinig ang kanilang mga tainga,at makaunawa ang kanilang mga pag-iisip.Kung ganoon sana'y nagbalik-loob kayo sa akin,at kayo naman ay aking pagagalingin, sabi ng Panginoon.’”
28-29 Idinagdag pa ni Pablo, “Sinasabi ko sa inyo, ipinahayag na sa mga Hentil ang kaligtasang ito na mula sa Diyos, at diringgin nila ito!”
30 Humigit-kumulang sa dalawang taóng nanirahan si Pablo sa Roma, sa bahay na kanyang inuupahan, at tinatanggap niya ang lahat ng pumupunta sa kanya.
31 Siya'y buong tapang at malayang nangangaral tungkol sa kaharian ng Diyos at sa Panginoong Jesu-Cristo.