25 Akong si Yahweh ang siya lamang ninyong paglilingkuran. Pasasaganain ko kayo sa pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman.
26 Isa man sa mga babaing Israelita ay walang makukunan o mababaog. At bibigyan ko kayo ng mahabang buhay.
27 “Dahil sa gagawin ko, masisindak ang lahat ng haharap sa inyo. Malilito ang mga bansang makakalaban ninyo at magtatakbuhan dahil sa takot.
28 Habang kayo'y papalapit, guguluhin ko ang inyong mga kaaway at palalayasin ko ang mga Hivita, Cananeo at Heteo sa kanilang lupain.
29 Hindi ko muna sila paaalising lahat sa loob ng isang taon para hindi mapabayaan ang lupain at nang hindi dumami ang mga maiilap na hayop.
30 Unti-unti ko silang paaalisin hanggang sa dumami ang inyong mga anak.
31 Ang magiging hangganan ng inyong lupain ay mula sa Dagat na Pula hanggang sa Dagat Mediteraneo, at mula sa ilang hanggang sa Ilog Eufrates. Ipapalupig ko sa inyo ang mga tagaroon at sila'y inyong palalayasin.