4 lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula; mga pinong telang lino at hinabing balahibo ng kambing;
5 balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, mainam na balat, at kahoy na akasya;
6 langis para sa ilawan at pabangong panghalo para sa langis na pampahid at para sa insenso.
7 Maghahandog din sila ng mga alahas na kornalina at mga mamahaling alahas na pampalamuti sa efod at sa pektoral ng pinakapunong pari.
8 Ipagpagawa mo ako ng santuwaryo na titirhan kong kasama nila.
9 Ang santuwaryo at ang lahat ng kagamitang ilalagay roon ay gagawin mo ayon sa planong ibibigay ko sa iyo.
10 “Gumawa kayo ng isang kaban na yari sa akasya: 1.1 metro ang haba, 0.7 metro ang luwang, at 0.7 metro ang taas.