3 Gumawa ka rin ng mga kagamitang tanso para sa altar: lalagyan ng abo ng sinunog na taba, ng pala, palanggana, malaking tinidor at lalagyan ng apoy.
4 Gumawa ka rin ng parilyang tanso, at ang bawat sulok nito ay kabitan mo ng isang argolyang tanso na siyang bitbitan,
5 at ikabit mo ang parilya sa ilalim ng tuntungan ng altar.
6 Gumawa rin kayo ng pampasan na yari sa punong akasya at babalutin din ng tanso.
7 Isuot mo ang mga ito sa mga argolya ng altar kung ito'y kailangang buhatin.
8 Kaya nga't ang altar na gagawin mo ay may guwang sa gitna, ayon sa planong ipinakita ko sa iyo sa bundok.
9 “Ang tabernakulo'y igawa mo ng bulwagang tatabingan ng mamahaling lino sa paligid. Sa gawing timog ay 45 metro ang haba ng tabing