13 “Magpapagawa ka rin ng dalawa pang patungang ginto,
14 at dalawang nilubid na ginto na ikakabit mo sa dalawang patungan.
15 “Gumawa ka rin ng pektoral na gagamitin ng pinakapunong pari sa pag-alam ng kalooban ni Yahweh. Buburdahan ito nang maganda, tulad ng sa efod. Ang gagamitin dito'y ginto, lanang kulay asul, kulay ube at pula, at telang lino.
16 Gawin mo itong parisukat at magkataklob: 0.2 metro ang haba, at ganoon din ang lapad.
17 Lagyan ito ng apat na hilera ng mga mamahaling bato. Sa unang hilera ay rubi, topaz at karbungko.
18 Sa ikalawang hilera naman ay esmeralda, safiro at brilyante.
19 Sa ikatlong hilera ay jacinto, agata at ametista.