18 Sa ikalawang hilera naman ay esmeralda, safiro at brilyante.
19 Sa ikatlong hilera ay jacinto, agata at ametista.
20 At sa ikaapat na hilera ay berilo, kornalina at jasper. Ang mga ito'y ikakabit sa patungang ginto.
21 Labindalawa lahat ang batong gagamitin upang kumatawan sa labindalawang anak ni Israel. Tulad ng isang pantatak, sa bawat bato'y nakaukit nang maganda ang pangalan ng bawat anak na lalaki ni Israel.
22 Gumawa ka ng dalawang maliliit na lubid na ginto at ikabit mo sa pektoral.
23 Kabitan mo ito ng dalawang argolyang ginto sa mga sulok sa itaas,
24 at dito itatali ang dalawang lubid na ginto.