1 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
2 “Sa unang araw ng unang buwan, itayo mo ang tabernakulo ng Toldang Tipanan.
3 Ilagay mo sa loob nito ang Kaban ng Tipan, at tabingan mo.
4 Ipasok mo ang mesa at ipatong mo roon ang kagamitan niyon. Ipasok mo rin ang ilawan at iayos ang mga ilaw.
5 Ang altar na gintong sunugan ng insenso ay ilagay mo sa tapat ng Kaban ng Tipan at kabitan mo ng tabing ang pintuan nito.
6 Ang altar namang sunugan ng mga handog ay ilagay mo sa harap ng tabernakulo ng Toldang Tipanan.
7 Ilagay mo naman sa pagitan ng altar at ng tolda ang palanggana, at lagyan mo ng tubig.