12 Pagkatapos ay narinig nilang nagsalita ang isang malakas na tinig mula sa langit, “Umakyat kayo rito!” At habang nakatingin ang kanilang mga kaaway, umakyat sila sa langit habang nakasakay sa ulap.
13 Nang oras ding iyon ay lumindol nang napakalakas at nawasak ang ikasampung bahagi ng lunsod at pitong libong tao ang namatay. Ang mga natirang tao ay natakot, at niluwalhati nila ang Diyos ng kalangitan.
14 Natapos na ang ikalawang lagim, at malapit na ring mangyari ang ikatlo.
15 Hinipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta at mula sa langit ay may malalakas na tinig na nagsabi, “Ang paghahari sa sanlibutan ay inilipat na kay Cristo na ating Panginoon. Maghahari siya magpakailanman!”
16 At ang dalawampu't apat na matatandang nakaupo sa kani-kanilang trono sa harapan ng Diyos ay nagpatirapa at sumamba sa kanya.
17 Sinabi nila,“Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Diyos ng kasalukuyan, at ng nakaraan!Nagpapasalamat kami na ginamit mo ang iyong walang hanggang kapangyarihanat nagpasimula ka nang maghari!
18 Nagngingitngit ang mga di-kumikilala sa iyo,dahil dumating na ang panahon ng iyong poot,ang paghatol sa mga patay,at pagbibigay ng gantimpala sa mga propetang lingkod mo,at sa iyong mga hinirang, sa lahat ng may takot sa iyo,dakila man o hamak.Panahon na upang lipulin mo ang mga sumira sa sanlibutan.”