Pahayag 15 RTPV05

Ang mga Panghuling Salot

1 Nakita ko rin ang isa pang kagila-gilalas na pangitain sa langit: may pitong anghel na may dalang pitong salot. Ito ang mga panghuling salot sapagkat dito matatapos ang poot ng Diyos.

2 May nakita akong parang dagat na kristal na nagliliyab. Nakita ko rin ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito, at sa nagtataglay ng bilang na katumbas ng kanyang pangalan. Nakatayo sila sa dagat na kristal, hawak ang mga alpang bigay sa kanila ng Diyos.

3 Inaawit nila ang awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero;“Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa!O Hari ng mga bansa,matuwid at totoo ang iyong mga paraan!

4 Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon?Sino ang hindi magpupuri sa iyong pangalan?Ikaw lamang ang banal!Lahat ng mga bansa ay lalapitat sasamba sa iyo,sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa.”

5 Pagkatapos nito'y nakita ko ring bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Tipanan ng Diyos at ng tao.

6 Lumabas mula sa templo ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng damit na malinis at nakakasilaw sa kaputian na may gintong pamigkis sa dibdib.

7 Ibinigay sa kanila ng isa sa apat na nilalang na buháy ang pitong mangkok na ginto na punung-puno ng poot ng Diyos, na siyang nabubuhay magpakailanman.

8 Ang templo ay napuno ng usok na nagmumula sa kaluwalhatian at kapangyarihan ng Diyos at walang makapasok sa templo hangga't hindi natatapos ang pitong salot na dala ng pitong anghel.

mga Kabanata

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22