11 At ang halimaw na buháy noong una ngunit ngayo'y wala na ay isa sa pitong hari at siyang magiging ikawalo. Siya ay mapapahamak.
12 “Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung haring hindi pa naghahari, ngunit mamamahala silang kasama ng halimaw sa loob ng isang oras.
13 Iisa ang layunin ng sampung ito, at ipapailalim nila sa halimaw ang kanilang kapangyarihan at karapatan.
14 Makikidigma sila laban sa Kordero ngunit sila'y matatalo nito, sapagkat ito ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Kasama niya sa tagumpay ang kanyang mga tinawag, pinili, at tapat na tagasunod.”
15 Sinabi rin sa akin ng anghel, “Ang nakita mong mga ilog na kinauupuan ng babae ay mga lahi, mga bansa, at mga wika.
16 Ang sampung sungay na nakita mo at ang halimaw ay mapopoot sa reyna ng kahalayan. Aagawin nila ang lahat ng ari-arian nito at iiwanan siyang hubad. Kakainin nila ang kanyang laman at susunugin ang matitira.
17 Niloob ng Diyos na sila'y magkaisa at ipailalim nila sa halimaw ang kanilang karapatan at kapangyarihan, hanggang sa maganap ang mga salita ng Diyos.