4 Narinig ko mula sa langit ang isa pang tinig na nagsasabi,“Umalis ka sa Babilonia, bayan ko!Huwag kang makibahagi sa kanyang mga kasalanan,upang hindi ka maparusahang kasama niya!
5 Sapagkat abot na hanggang langit ang mga kasalanan niya,at hindi nalilimutan ng Diyos ang kanyang kasamaan.
6 Gawin ninyo sa kanya ang ginawa niya sa inyo,gumanti kayo nang higit pa sa kanyang ginawa.Punuin ninyo ang kanyang kopang inuming higit na mapait kaysa inihanda niya sa inyo.
7 Kung paano siya nagmataas at nagpasasa sa kalayawan,palasapin ninyo siya ng ganoon ding pahirap at kapighatian.Sapagkat lagi niyang sinasabi,‘Reyna akong tinatanghal!Hindi ako biyuda,hindi ako daranas ng kasawian kailanman!’
8 Dahil dito, sabay-sabay na daragsa sa kanya ang mga salot sa loob ng isang araw:sakit, dalamhati, at taggutom;at tutupukin siya ng apoy.Sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na humahatol sa kanya.”
9 Tatangis at iiyak ang mga haring nakiapid sa kanya at nagpasasa sa kalayawan sa piling niya, habang tinatanaw nila ang usok ng nasusunog na lunsod.
10 Tatayo lang sila sa malayo sapagkat takot silang madamay sa dinaranas niyang parusa. Sasabihin nila, “Kalagim-lagim! Kalagim-lagim ang dakilang Babilonia, ang matatag na lunsod! Sa loob lamang ng isang oras ay naganap ang parusa sa dakila at makapangyarihang lunsod ng Babilonia!”