7 Magalak tayo at magsaya! Luwalhatiin natin siya sapagkat nalalapit na ang kasal ng Kordero. Nakahanda na ang kasintahang babae;
8 nabihisan na siya ng malinis at puting-puting lino.” Ang lino ay sagisag ng mabubuting gawa ng mga hinirang ng Diyos.
9 At sinabi sa akin ng anghel, “Isulat mo ito: mapalad ang mga inanyayahan sa kasalan ng Kordero.” Idinugtong pa niya, “Ito ay tunay na mga salita ng Diyos.”
10 Nagpatirapa ako sa kanyang paanan upang sambahin siya, ngunit sinabi niya sa akin, “Huwag! Ako ma'y alipin ding tulad mo at tulad ng ibang mga mananampalatayang nagpatotoo tungkol kay Jesus. Ang Diyos ang sambahin mo, sapagkat ang katotohanang ipinahayag ni Jesus ay siyang diwa ng lahat ng ipinahayag ng mga propeta!”
11 Pagkaraan nito'y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y tinawag na Tapat at Totoo, sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma.
12 Parang nagliliyab na apoy ang kanyang mga mata, at napuputungan siya ng maraming korona. Nakasulat sa kanyang katawan ang pangalan niya, ngunit siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan niyon.
13 Puno ng dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay “Salita ng Diyos.”