15 Ang anghel na nagsalita sa akin ay may hawak na gintong panukat upang sukatin ang lunsod, gayundin ang mga pinto at ang pader nito.
16 Parisukat ang ayos ng lunsod, kung ano ang haba, ganoon din ang luwang. Sinukat ng anghel ang lunsod, at ang lumabas na sukat ng lunsod ay 2,400 kilometro ang haba at ang luwang, gayundin ang taas.
17 Sinukat din niya ang pader at animnapu't limang metro naman ang taas nito, ayon sa panukat na dala ng anghel.
18 Batong jasper ang pader, at ang lunsod ay lantay na gintong kumikinang na parang kristal.
19 Ang saligan ng pader ay puno ng lahat ng uri ng mahahalagang bato. Jasper ang una, safiro ang ikalawa, kalsedonia ang ikatlo, esmeralda ang ikaapat,
20 onise ang ikalima, kornalina ang ikaanim, krisolito ang ikapito, berilo ang ikawalo, topaz ang ikasiyam, krisopraso ang ikasampu, hasinto ang ikalabing isa, at amatista ang ikalabindalawa.
21 Perlas ang labindalawang pinto, bawat pinto ay yari sa iisang perlas. Purong ginto ang lansangan ng lunsod at kumikinang na parang kristal.