14 Naglaho ang langit na parang kasulatang inirolyo, at nawala sa kanilang dating kinalalagyan ang mga bundok at mga pulo.
15 Nagtago sa mga yungib na bato ang mga hari sa lupa, ang mga gobernador, ang mga pinuno ng hukbo, ang mayayaman, ang makapangyarihan, at lahat ng tao, alipin man o malaya.
16 At sinabi nila sa mga bundok at sa mga bato, “Tabunan ninyo kami para makubli kami sa mukha ng nakaupo sa trono, at makaiwas sa poot ng Kordero!
17 Sapagkat dumating na ang malagim na araw ng pagbubuhos nila ng kanilang poot, at sino ang makakatagal?”