1 Tulad ng utos sa akin ni Yahweh, nagbalik tayo sa ilang, tungo sa Dagat na Pula.
2 “Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh,
3 ‘Matagal na rin kayong nagpapaikut-ikot sa kaburulang ito. Ngayon, lumakad na kayo papuntang hilaga.
4 Dadaan kayo sa Seir, ang lupain ng mga kamag-anak ninyo, ang lahi ni Esau. Takot sila sa inyo ngunit mag-ingat pa rin kayo.