6 “Kung may makita kayong pugad ng ibon, sa lupa o sa punongkahoy, na may inakay o kaya'y may nililimlimang itlog, huwag ninyong huhulihin ang inahin.
7 Maaari ninyong kunin ang inakay o ang itlog ngunit pakawalan ninyo ang inahin upang mabuhay kayo nang mahaba at masagana.
8 “Lagyan ninyo ng harang ang bubong ng bahay na gagawin ninyo upang hindi kayo managot sakaling may mahulog mula roon.
9 “Huwag ninyong tatamnan ng magkaibang binhi ang inyong ubasan; kapag ginawa ninyo iyon, ang bunga ng ibang binhi at ng inyong ubas ay dapat dalhing lahat sa santuwaryo.
10 “Huwag ninyong pagsasamahin sa iisang araro ang baka at ang asno.
11 “Huwag kayong magsusuot ng damit na yari sa pinagsanib na lana at lino.
12 “Lagyan ninyo ng palawit ang apat na sulok ng inyong balabal.