1 “Nagpatuloy tayo papuntang Bashan ngunit pagdating natin sa Edrei, sinalakay tayo ni Haring Og ng Bashan.
2 Sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Huwag kayong matakot sa kanya sapagkat matatalo ninyo sila tulad ng ginawa ninyo kay Haring Sihon ng Hesbon at sa mga Amoreo.’
3 “Sa tulong ni Yahweh, natalo nga natin si Haring Og at ang buong Bashan; wala tayong itinirang buháy isa man sa kanila.
4 Nasakop natin ang animnapu nilang lunsod sa Argob, ang buong kaharian ni Og sa Bashan,
5 ang maraming maliliit na nayon, at ang malalaki nilang lunsod na napapaligiran ng pader.