3 “Sa tulong ni Yahweh, natalo nga natin si Haring Og at ang buong Bashan; wala tayong itinirang buháy isa man sa kanila.
4 Nasakop natin ang animnapu nilang lunsod sa Argob, ang buong kaharian ni Og sa Bashan,
5 ang maraming maliliit na nayon, at ang malalaki nilang lunsod na napapaligiran ng pader.
6 Tulad ng ginawa natin kay Haring Sihon ng Hesbon, nilipol natin sila pati mga kababaihan at mga bata.
7 Ang itinira lamang natin ay ang mga hayop at iba pang ari-arian nilang sinamsam natin.
8 “Nasakop natin noon ang lupain ng dalawang haring Amoreo, ang lupain nila sa silangan ng Jordan, mula sa Ilog Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon. (
9 Sirion ang tawag ng mga taga-Sidon sa Bundok ng Hermon at Senir naman ang tawag doon ng mga Amoreo.)