10 “Kung tupa o kambing ang ihahandog, kailangang ito'y lalaki rin at walang kapintasan.
11 Papatayin ito ng naghahandog sa harapan ni Yahweh sa gawing hilaga ng altar at ang dugo'y ibubuhos ng mga pari sa paligid ng altar.
12 Kakatayin niya ito at ihahanay ng pari sa ibabaw ng apoy sa altar ang mga piraso ng karne kasama ang ulo at taba.
13 Ang laman-loob at mga paa ay dapat munang hugasan bago ilagay sa altar. Pagkatapos, ang lahat ay susunugin upang ang usok nito'y maging mabangong samyo sa akin.
14 “Kung ibon ang handog na susunugin, ang dadalhin niya'y batu-bato o kalapati.
15 Ibibigay niya ito sa pari upang dalhin sa altar. Pipilipitin ng pari ang leeg ng ibon at ang dugo'y patutuluin sa paligid ng altar.
16 Aalisin niya ang balahibo't bituka ng ibon at ihahagis sa tapunan ng abo, sa gawing silangan ng altar.