3 “Kung ang nagkasala'y ang pinakapunong pari, at nadamay pati ang sambayanan, mag-aalay siya ng isang batang toro na walang kapintasan bilang handog para sa kapatawaran ng kanyang kasalanan.
4 Dadalhin niya ito sa harapan ni Yahweh sa may pintuan ng Toldang Tipanan, ipapatong niya sa ulo nito ang kanyang kamay at papatayin ito.
5 Kukuha ng kaunting dugo ang pinakapunong pari at dadalhin sa Toldang Tipanan.
6 Itutubog niya sa dugo ang kanyang daliri at sa harapan ko ay wiwisikan niya ng pitong beses ang tabing ng santuwaryo.
7 Lalagyan din niya ng dugo ang mga sungay ng altar ng insensong nasa harapan ni Yahweh sa Dakong Banal. Ang natirang dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng altar na sunugan ng mga handog sa harap ng Toldang Tipanan.
8 Ang lahat ng taba nito ay kukunin, pati ang tabang bumabalot sa laman-loob.
9 Kukunin din ang dalawang bato, ang taba ng balakang at ang tabang bumabalot sa atay.