1 Sinabi pa ni Yahweh kay Moises,
2 “Nagkakasala ang sinumang magkaila tungkol sa isang bagay na inihabilin sa kanya, ang sumira sa kasunduan, ang magnakaw o magsamantala sa kapwa
3 at ang mag-angkin ng isang bagay na napulot at manumpang iyon ay wala sa kanya.
4 Babayaran niya ang kanyang ninakaw, o anumang napulot o inihabilin na inangkin niya.
5 Ibabalik niya ang alin man sa mga ito at daragdagan pa niya ito ng ikalimang bahagi ng halaga niyon sa araw na maghandog siya para sa kasalanan.
6 Ang iaalay naman niya bilang handog na pambayad sa kasalanan ay isang lalaking tupa na walang kapintasan. Itatakda mo ang halaga nito ayon sa sukatang itinakda ng santuwaryo.
7 Ihahandog iyon ng pari at siya'y patatawarin sa alinmang pagkakasala niya.”