1 Ito ang mga anak na lalaki ni Jacob na sumama sa kanya sa Egipto, kasama ang kanilang mga pamilya:
2 sina Reuben, Simeon, Levi, Juda,
3 Isacar, Zebulun, Benjamin,
4 Dan, Naftali, Gad, at Asher.
5 Si Jose ay matagal nang nasa Egipto. Ang bilang ng lahat ng lahi ni Jacob na sumama sa kanya sa Egipto ay 70.
6 Dumating ang panahon na namatay si Jose at ang lahat ng kanyang kapatid, at lumipas na ang kanilang henerasyon