1 Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron doon sa Egipto,
2 “Mula ngayon, ang buwan na ito ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo.
3 Ipaalam ninyo sa buong kapulungan ng Israel na sa ikasampung araw ng buwan na ito, maghahanda ang bawat pamilya ng isang tupa o kambing.
4 Kung maliit lang ang isang pamilya at hindi makakaubos ng isang tupa, maghati sila ng kapitbahay niya. Hatiin nila ito ayon sa dami nila at ayon sa makakain ng bawat tao.
5 Kailangang piliin ninyo ang lalaking kambing o tupa na isang taon pa lang at walang kapintasan.