40 Nanirahan ang mga Israelita sa Egipto nang 430 taon.
41 Sa huling araw ng 430 taon, umalis sa Egipto ang buong mamamayan ng Panginoon.
42 Nang gabing umalis ang mga Israelita sa Egipto, binantayan sila ng Panginoon buong gabi. Kaya katulad ng gabing iyon taun-taon, magpupuyat ang lahat ng mga Israelita bilang pagpaparangal sa Panginoon at gagawin nila ito hanggang sa mga susunod pang henerasyon.
43 Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Ito ang mga tuntunin tungkol sa Pista ng Paglampas ng Anghel:“Hindi dapat kumain ang mga dayuhan ng mga pagkaing inihanda sa pistang ito.
44 Makakakain ang lahat ng aliping binili kung natuli sila,
45 pero hindi maaaring kumain ang mga upahang trabahador at ang mga dayuhan.
46 “Dapat itong kainin sa loob ng bahay kung saan ito inihanda; hindi dapat ilabas ang karne sa bahay, at huwag babaliin ang buto nito.