1 Nalungkot ang buong bayan ng Israel at magdamag na nag-iyakan.
2 Nagbulungan sila laban kina Moises at Aaron. Ang sabi nila, “Mabuti pang namatay na tayo sa Egipto o kaya'y sa ilang
3 kaysa tayo'y patayin ng ating mga kaaway sa lupaing pinagdalhan sa atin ni Yahweh, at bihagin ang ating asawa't mga anak. Mabuti pa'y bumalik na tayo sa Egipto.”
4 At nag-usap-usap sila na pumili ng isang lider na mangunguna sa kanilang pagbalik.
5 Sina Moises at Aaron ay nagpatirapa na nakikita ng buong bayan.
6 Dahil sa hinagpis, pinunit nina Josue na anak ni Nun at Caleb na anak ni Jefune ang kanilang kasuotan.
7 Sinabi nila, “Mainam ang lupaing tiningnan namin, saganang-sagana sa lahat ng bagay.