1 Pagkalipas ng salot, sinabi ni Yahweh kina Moises at Eleazar na anak ni Aaron,
2 “Magsagawa ka ng isang sensus. Bilangin at ilista ninyo ang pangalan ng mga Israelita na maaaring isama sa hukbo upang makipagdigma, mula sa gulang na dalawampung taon pataas.”
3 Dahil dito, tinipon nila ang mga pinuno sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico.
4 Binilang at inilista ang mga Israelita tulad ng iniutos ni Yahweh kay Moises. Ito ang listahan ng mga Israelitang umalis sa Egipto:
5 Sa lipi ni Ruben na panganay ni Israel ay ang mga angkan nina Hanoc, Fallu,
6 Hesron at Carmi.
7 Ang mga angkang ito ang bumubuo sa lipi ni Ruben. Silang lahat ay 43,730.
8 Ang anak ni Fallu ay si Eliab
9 at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Sina Datan at Abiram, kasama ng pangkat ni Korah, ang nagpasimuno sa mga Israelita ng paghihimagsik laban kina Moises at Aaron, at kay Yahweh.
10 Si Korah naman at ang kanyang 250 kasama ang nilamon ng lupa. Ang mga pangyayaring ito ay nagsilbing babala sa buong bayan.
11 Gayunma'y hindi kasamang namatay ang mga anak ni Korah.
12 Sa lipi naman ni Simeon ay ang mga angkan nina Nemuel, Jamin, Jaquin,
13 Zera at Saul.
14 Ang kabuuang bilang ng lipi ni Simeon ay 22,200.
15 Sa lipi ni Gad ay ang mga angkan nina Zefon, Hagui, Suni,
16 Ozni, Eri,
17 Arod at Areli.
18 Ang kabuuang bilang ng lipi ni Gad ay 40,500.
19 Sa lipi naman ni Juda, hindi kabilang sina Er at Onan na namatay sa Canaan, ay
20 ang mga angkan nina Sela, Fares, Zara,
21 Hezron at Hamul.
22 Ang kabuuang bilang sa lipi ni Juda ay 76,500.
23 Sa lipi ni Isacar ay ang mga angkan nina Tola, Pua,
24 Jasub at Simron.
25 Lahat-lahat sa lipi ni Isacar ay 64,300.
26 Sa lipi ni Zebulun ay ang mga angkan nina Sered, Elon at Jahleel.
27 Silang lahat ay 60,500.
28 Sa lipi ni Jose na may dalawang anak ay ang mga angkan nina Manases at Efraim.
29 Sa lipi ni Manases ay ang angkan ni Maquir at ang anak nitong si Gilead.
30 Ang angkan ni Gilead ay binubuo ng mga sambahayan nina Jezer, Helec,
31 Asriel, Shekem,
32 Semida, at Hefer.
33 Si Zelofehad na anak ni Hefer ay hindi nagkaanak ng lalaki, kundi panay babae: sina Maala, Noa, Hogla, Milca at Tirza.
34 Lahat-lahat sa angkan ni Manases ay 52,700.
35 Sa lipi ni Efraim ay ang mga angkan nina Sutela, Bequer, at Tahan.
36 Ito naman ang bumubuo sa angkan ni Sutela: si Eran at ang kanyang sambahayan.
37 Ang kabuuang bilang sa lipi ni Efraim ay 32,500. Ito ang mga angkang nagmula sa lipi ni Jose.
38 Sa lipi ni Benjamin ay ang mga angkan nina Bela, Asbel, Ahiram,
39 Sufam, at Hufam.
40 Ang bumubuo sa angkan ni Bela ay ang mga sambahayan nina Ard at Naaman.
41 Lahat-lahat sa lipi ni Benjamin ay 45,600.
42 Sa lipi ni Dan ay ang angkan ni Suham
43 na ang kabuuang bilang ay 64,400.
44 Sa lipi ni Asher ay ang mga angkan nina Imna, Isvi, at Beria.
45 Ang angkan ni Beria ay binubuo ng mga sambahayan nina Heber at Malquiel.
46 Si Asher ay may anak na babae na nagngangalang Sera.
47 Lahat-lahat sa lipi ni Asher ay 53,400.
48 Sa lipi ni Neftali ay ang mga angkan nina Jahzeel, Guni,
49 Jezer at Silem.
50 Lahat-lahat sa lipi ni Neftali ay 45,400.
51 Ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay 601,730.
52 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
53 “Hatiin mo ang lupain ayon sa laki ng bawat lipi.
54 Malaki ang kaparte ng malaking lipi at maliit ang sa maliit na lipi. Ang kaparte ng bawat lipi ay ayon sa dami ng kanyang bilang.
55 Ang lupain ay hahatiin sa pamamagitan ng palabunutan, sa pangalan ng bawat lipi.
56 Ang pagtatakda ng kaparte ng bawat lipi ay dadaanin sa palabunutan.”
57 Ang lipi naman ni Levi ay binubuo ng mga angkan nina Gershon, Kohat, at Merari.
58 Kabilang din sa liping ito ang mga sambahayan ni Libni, Hebron, Mahli, Musi at Korah. Si Kohat ang ama ni Amram,
59 na napangasawa ni Jocebed na kabilang din sa lipi ni Levi. Isinilang si Jocebed sa Egipto. Naging anak nila sina Aaron, Moises at Miriam.
60 Naging anak naman ni Aaron sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
61 Sina Nadab at Abihu ay namatay nang sila'y gumamit ng apoy na di karapat-dapat kay Yahweh.
62 Lahat-lahat, ang natala sa lipi ni Levi ay 23,000, mula sa gulang na isang buwan pataas. Sila'y hindi kabilang sa talaan ng Israel sapagkat hindi sila kasama sa paghahati ng lupain.
63 Ito ang mga Israelitang binilang at inilista ni Moises at ng paring si Eleazar sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa may tapat ng Jerico.
64 Dito'y walang kasama isa man sa mga Israelitang itinala nina Moises at Aaron noong sila'y nasa Bundok ng Sinai.
65 Ang mga ito'y namatay, liban kina Caleb na anak ni Jefune at Josue na anak ni Nun, tulad ng sinabi ni Yahweh.