17 Umawit sila roon ng ganito:“Bumukal ka ng tubig, O balonat sa iyo'y awit ang aming tugon,
18 mga pinuno ang humukay sa iyona ang gamit ay tungkod at setro.”Mula sa ilang na iyon ay nagtuloy sila sa Matana,
19 nagdaan ng Nahaliel at Bamot.
20 Pag-alis doo'y nagtuloy sila sa isang kapatagang sakop din ng Moab, sa tuktok ng Pisga na nakaharap sa ilang.
21 Ang mga Israelita'y nagsugo kay Haring Sihon, isang Amoreo. Ipinasabi nila,
22 “Maaari po bang makiraan kami sa inyong lupain? Hindi po kami daraan sa alinmang bukirin o ubasan, ni iinom sa inyong balon. Sa Lansangan ng Hari po kami daraan hanggang sa makalampas kami sa inyong nasasakupan.”
23 Subalit hindi sila pinahintulutan ni Haring Sihon; sa halip, tinipon niya ang kanyang hukbo at sinalakay ang mga Israelita sa Jahaz.