20 Ang utos sa akin, sila'y pagpalain;ang pagpapala ng Diyos, di ko kayang bawiin.
21 Sa Israel ay wala akong makitang kasawian,sa kanila ay wala ring kapahamakan.Ang Diyos nilang si Yahweh ang kanilang kasama,ipinapahayag nilang siya ang hari nila.
22 Ang Diyos ang naglabas sa kanila sa Egipto,sila'y ipinaglaban niya nang tulad sa mailap na toro.
23 Si Jacob ay hindi makakayang kulamin,ang Israel ay hindi maaaring sumpain.Tungkol sa Israel, ito ang sasabihin ng mga tao:‘Ito ang gawa ng Diyos at pagmasdan ninyo!’
24 Ang Israel ay kasinlakas ng isang leon,hindi tumitigil hanggang kaaway ay di nalalamonat hanggang ang dugo nito ay di niya naiinom.”
25 Sinabi ni Balac kay Balaam, “Kung ayaw mo silang sumpain, huwag mo naman sanang pagpalain.”
26 Ngunit ang sagot ni Balaam, “Hindi ba't sinabi ko na sa iyong gagawin ko lamang ang lahat ng sinabi sa akin ni Yahweh?”