3 Sinabi ni Balaam kay Balac, “Bantayan mo ang mga handog na ito. Aalis muna ako at baka sakaling makipagkita na sa akin si Yahweh. Anumang sabihin niya sa akin ay sasabihin ko sa iyo.” At nagpunta siyang mag-isa sa tuktok ng isang burol.
4 Nakipagkita nga kay Balaam ang Diyos. Sinabi ni Balaam, “Nagpagawa po ako ng pitong altar at bawat isa'y pinaghandugan ko ng isang toro at isang lalaking tupa.”
5 May sinabi kay Balaam si Yahweh. Pagkatapos, pinabalik ito kay Balac.
6 Nadatnan niya si Balac at ang mga pinuno sa paligid ng handog na sinusunog.
7 Sinabi ni Balaam,“Mula sa Aram, sa bulubundukin sa silangan,ipinatawag ako ni Balac na hari ng Moab.Ang sabi niya sa akin, ‘Halika't ang bansa ni Jacob ay iyong sumpain.Halika't itakwil mo ang bansang Israel!’
8 Ang pinagpala ng Diyos ay paano ko susumpain?Ang binasbasan ni Yahweh, paano ko nga itatakwil?
9 Mula sa tuktok ng mga bundok sila'y aking natatanaw,nakikita ko silang lahat mula sa kaburulan.Sila'y isang bansang namumuhay na mag-isa,alam nilang sila'y mapalad kaysa mga iba!