23 Nagkampo sila sa gawing kanluran, sa likod ng tabernakulo,
24 at ang pinuno nila ay si Eliasaf na anak ni Lael.
25 Sila ang mangangasiwa sa kaayusan ng Toldang Tipanan,
26 sa bubong at sa tali nito, sa mga kurtina sa pinto at sa bulwagan sa paligid, at ng altar.
27 Ang angkan ni Kohat ay binubuo ng mga sambahayan nina Amram, Izar, Hebron at Uziel,
28 at umabot sa 8,600 ang mga kalalakihang isang buwan pataas ang edad.
29 Sila ay sa gawing timog ng tabernakulo pinagkampo