1 Sinabi ni Moises sa mga pinuno ng bawat lipi ng Israel, “Ito ang utos ni Yahweh:
2 Kung kayo'y mayroong panata kay Yahweh, huwag kayong sisira sa inyong pangako. Kailangang tuparin ninyo ang bawat salitang binitiwan ninyo.
3 “Kung ang isang dalagang nasa poder pa ng kanyang ama ay mamanata o mangako kay Yahweh
4 nang naririnig ng kanyang ama at hindi ito tumutol, may bisa ang panata o pangakong iyon.
5 Ngunit kung tumutol ang ama nang marinig ang tungkol sa panata, walang bisa ang panata ng nasabing dalaga. Wala siyang sagutin kay Yahweh sapagkat hinadlangan siya ng kanyang ama.
6 “Kung ang isang dalagang nakapanata o nakapangako nang wala sa loob ay magkaasawa,
7 mananatili ang bisa ng panata o pangako kung hindi tututol ang lalaki sa araw na malaman niya iyon.