6 “Kung ang isang dalagang nakapanata o nakapangako nang wala sa loob ay magkaasawa,
7 mananatili ang bisa ng panata o pangako kung hindi tututol ang lalaki sa araw na malaman niya iyon.
8 Ngunit kung tumutol ang lalaki sa araw na malaman iyon, mawawalan ng bisa ang panata ng babae, at hindi siya paparusahan ni Yahweh.
9 “Kung ang isang biyuda, o babaing pinalayas at hiniwalayan ng kanyang asawa ay mamanata o mangako, ang bisa nito ay mananatili.
10 “Kung ang isang babaing may asawa ay mamanata o mangako,
11 may bisa ito kapag hindi tumutol ang kanyang asawa sa araw na malaman niya ito.
12 Ngunit ang panata o sumpa ng babae ay hindi magkakabisa kapag tumutol ang lalaki sa sandaling marinig niya ito. Siya'y walang sagutin kay Yahweh sapagkat tutol ang kanyang asawa.