7 Mula sa Etam, nagbalik sila sa Pi Hahirot, silangan ng Baal-zefon, at nagkampo sa tapat ng Migdol.
8 Pag-alis nila ng Pi Hahirot, tumawid sila ng dagat at nagtuloy sa ilang. Tatlong araw silang naglakbay sa ilang ng Etam saka nagkampo sa Mara.
9 Mula sa Mara nagtuloy sila ng Elim. Nakakita sila roon ng labindalawang bukal at pitumpung puno ng palmera, at nagkampo sila roon.
10 Mula sa Elim, nagkampo sila sa baybayin ng Dagat na Pula.
11 Mula sa Dagat na Pula, nagkampo sila sa ilang ng Sin.
12 Mula sa ilang ng Sin, nagkampo sila sa Dofca.
13 Mula sa Dofca, nagtuloy sila ng Alus.