1 “Ako'y nagsasawa na sa buhay kong ito,sasabihin ko nang lahat, mapapait kong reklamo.
2 Aking Diyos, huwag n'yo muna akong hatulan,sabihin ninyo sa akin ang inyong paratang.
3 Tama ba namang iyong pagmalupitan,parusahan at itakwil ang likha ng iyong kamay?At ang gawain ba ng masamang tao ang iyong magugustuhan?
4 Ang iyo bang nakikita'y tulad din ng nakikita namin?