1 Ito naman ang sagot ni Bildad na Suhita:
2 “Makapangyarihan ang Diyos dapat siyang igalang;naghaharing mapayapa sa buong sangkalangitan.
3 Ang kanyang mga anghel ay hindi mabibilang,lahat ay nasisikatan ng kanyang kaliwanagan.
4 Maaari bang maging matuwid ang tao sa paningin ng Diyos?Sa harapan ng Maykapal siya ba'y dalisay nang lubos?
5 Para sa Diyos, ang buwan ay walang ningning,at ang mga bituin ay marumi sa kanyang tingin.
6 Gaano pa ang tao na isa lamang hamak na uod,may halaga kaya siya sa paningin ng Diyos?”