4 Ang iyo bang nakikita'y tulad din ng nakikita namin?
5 Ang iyo bang buhay ay maikling tulad ng sa amin?
6 Kung gayo'y bakit mo ako hinahanapanng pagkakasala at kamalian?
7 Alam mo namang wala akong kasalanan,at walang makakapagligtas sa akin mula sa iyong mga kamay.
8 “Ang mga kamay mo ang sa aki'y lumikha,ngayo'y kamay mo rin ang sa aki'y sumisira.
9 Di ba't mula sa lupa ay ginawa mo ako,ngayon ba'y pupulbusin at ibabalik dito?
10 Niloob mong ako'y manggaling sa aking ama,inaruga, pinalaki sa tiyan ng aking ina.